Silang Cavite Hymn
Silang 3x
Bayang magiliw dito sumilang
Sa dakong ito ng lalawigan
Kay sagana ng kabukiran
Halaman, bungang-kahoy, at gulay
Sa atin ay nagbibigay buhay
Biyayang galing sa Poong Maykapal
Tunay sa atin nagmamahal
Silang 3x
Bayang pinagpala ng kalikasan
Simo’y ng hangin ay kay inam
Luntiang paligid di nagpaparam
Mahalin at ating ingatan
Kapaligiran nitong bayan
Wagas ka sa aming puso, sintang Silang
Kami sa iyo’y di magkukulang
Mabuhay ang mga bayaning
Nagbuwis ng buhay at dugo’y inalay
Upang di malupig ng mga dayuhan
Nakipaglaban ng buong tapang
Ibunyi ang bayang sinilangan
Sa dakong ito ng lalawigan
Ikaw ang pag-asa , biyaya , at huwaran
Sa pagsulong nitong Inang Bayan
Patuloy kang sumulong aming bayanP
patungo sa kaunlaran,Silang !
https://www.youtube.com/watch?v=B8xpbEVWkZU